Mahal naming mga kaibigan,
Maalab na pagbati mula sa mga manggagawang bukid ng Asyenda Luisita!
Noong ika-22 ng Nobyembre 2011, naglabas ng desisyon ang Korte Suprema kung saan ipinaguutos ang pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga manggagawang bukid at pagpapawalang bisa ng Stock Distribution Plan (SDP). Ang desisyon na ito ay makasaysayan po at isang mahalagang tagumpay ng mga manggagawang bukid pagkatapos ng napakahabang pakikibaka. Bagaman hindi pa pinal at nananatiling naaaninag pa lamang ang ganap na tagumpay, tagumpay pa din po ito na dapat ipagdiwang at ipagpasalamat dahil mahaba man ang lakbayin ay napadadali ito ng ating sama-samang pagkilos at pagtugon.
Kinikilala po ang malaking bahagi natin sa tagumpay na ito. Nagsilbing isang inspirasyon para sa mga manggagawang bukid ang pagdagsa ng mga suporta. Ito rin ay nagbigay ng dagdag na lakas sa patuloy na masigasig na pagkilos. Sa bahagi po ng United Luisita Workers Union (ULWU) at Alyansa ng Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita, ipinapaabot sa mga kasaping institusyon at indibidwal ng Hacienda Luisita Peasant Supporters Network, ang taos-pusong pasasalamat ng mga manggagawang bukid sa walang gatol na pagsuporta at pakikiisa sa pakikibaka.
Maraming maraming salamat po at hanggang sa muli nating pagsasama. Maligaya at Makabuluhang Pasko!
Today, July 16, we celebrate the feast of Our Lady of Mount Carmel, the Madonna of the Brown Scapular at Miguel, Tarlac with the farmers of Hacienda Luisita Inc (HLI).
Aral Pinoy Founder, Antonio Ingles, Ph.D., reflecting on the 6,453-hectare sugar estate, as large as the cities of Makati and Pasig combined...
How much land does a man need?
True Wealth! : Luke 12:16-21 16 Then he told them a parable. "There was a rich man whose land produced a bountiful harvest. 17 He asked himself, 'What shall I do, for I do not have space to store my harvest?' 18 And he said, 'This is what I shall do: I shall tear down my barns and build larger ones. There I shall store all my grain and other goods 19 and I shall say to myself, "Now as for you, you have so many good things stored up for many years, rest, eat, drink, be merry!" 20 But God said to him, 'You fool, this night your life will be demanded of you; and the things you have prepared, to whom will they belong?' 21 Thus will it be for the one who stores up treasure for himself but is not rich in what matters to God.
No comments:
Post a Comment